Showing posts with label Heart Yngrid. Show all posts
Showing posts with label Heart Yngrid. Show all posts

Monday, October 20, 2014

I LOVE YOU TO DEATH Book 2

Ako'y humihingi ng pasensya dahil sa matagal na pagpo-post ng ikalawang bahagi ng aking review. Una, nahiram kasi ang libro sakin. Pangalawa, I'm not in the writing mode these past days. Mas trip ko magbasa ng magbasa. Sana naman ay hindi pa kayo nakaka-move on sa bonggang bongga na punerarya story ni Marian, Miguel, at ni Aleng Poleng. Well, hindi pa rin ako maka-get over sa hotdog ni Marian. Hihihi.

1. Kawawang Marian. Broken hearted ng dahil sa ating fafa na si Miguel. Masyadong pa-fall naman kasi si Kuya. Mambabasted lang din naman pala in the end.

2. To the rescue si pareng Val. Isang nurse at elementary bully ni Marian. Nakarelate ako, infairness. Yung lalaking inaaway-away ka lang nung elementary, magkakagusto sa'yoo in the end. The difference is, hindi naman nanligaw sakin yung nambubully sakin nung elem. Nalaman ko lang na may gusto siya sakin dahil sinabi niya sa best friend ko. :D

3. Pagpapaselos ni Marian kay Miguel. Infairness naman at nagseselos naman si Miguel. May kilala akong ganyan eh. Pero syempre, discreet sa pagpapakita ng pagseselos.

4. Hello Miguel the Knight in Shining casket! Este, armor pala. Walangyang Val yan! Bet na bet ko pa naman siya kasi pa-fall siya to the highest possible level! Tapos, gaganunin niya lang si Marian! Mabuti na lang at mahilig sumilip sa bintana si pareng Miguel at sumaklolo naman siya kay ate.

5. Pagiging best ate in the world ni Marian dahil huling araw na niya sa mundo. Pagbibilin ni Marian sa kanyang mga BFF tungkol sa magiging service ng burol niya. Hmm. Planadong planado ang lahat, ate? Mabuti na lang at wala kang nakalimutan, nuh? :D

6. Ang pagpapakamatay ni Marian. Well, pati ba naman si lola, nag aantay pa ng true love? Hihihi! Well, kinilig ako sa public confession ni fafa Miguel. For sure maraming nainggit ng bongabels kay Marian. Hehehe! Sana lang makakita ako ng ganitong eksena, LIVE! Or makakilala akong matchmaker na may free services. Hahaha!

Naiimagine ko yung panic, pag ngawa, at depression ni Marian. Syempre, mukha ni Marian Rivera ang nasa isip ko na nagpo-portray nito. Magaling naman siyang actress, di ba? :D

7. Ok na sana ang lahat ng dumating ang ex-gf ni Miguel. Este, ni Calvin. Nagpanggap pa talaga siyang customer ah. Hmm. Magaling ate. Magaling ka tumayming. Ang sarap mo ilagay sa couple's casket ng mag isa!

8. Ang pagre-reveal ng misteryo sa buhay ni Calvin. Ganun naman pala eh. Mabuti na lang at naintindihan nitong si Marian. Ikaw na teh!

9. Ang party. Ang trying hard na English ni Marian. Haaaay! I can only imagine how awkward it was to stay on a place na pilit kang pinalalayo. And, Marian did what she thought was right, ang umalis at lumayo sa buhay ni Miguel. Minsan ganun talaga eh. Susuko ka kasi assumed mo na wala ka naman laban sa mga babaeng kakumpetensya mo sa kanya. So sad, Marian bebe. So sad.

10. Ang kidnap scene ni Aling Poleng. Akalain mong sa tanda niyang yun ay naisipan niya pang kumidnap para pumatay ng nakabanggaan sa negosyo. Hmmm. At naloka ako sa reason niya kung bakit siya nagtayo ng funeral parlor. Bwahaha! YUN LANG? CAPITAL LETTERS PARA INTENSE! YOOOHOOOOO! hahahahah

11. Ang pagdating ng ating pinakamamahal na fafa! Ang galing mo, Miguel! You're just at the right timing, baby. Hahahahah!

12. Ang happily ever after! Propose agad. Yes agad! Papatagalin pa ba yan? Hihih

I'll admit, maraming mga eksena din ang nagpakilig sakin, pero yung tipong saktong kilig lang. Hindi naman super duper mega kilig na halos magpagulong-gulong ako sa higaan ko. Hmm. It's a nice story, and I'm sure mag-eenjoy ang fans ni Heart Yngrid sa pagbabasa nito. :D


Rating: 7
*unting hugot pa* :D


LoveLoveLove!
thedespicablehuntress

Wednesday, October 15, 2014

I LOVE YOU TO DEATH by Heart Yngrid




“I wanted to die old with you.”

Have you ever said that line to someone special? Hmm. Ilang beses ko ng narinig yan, at ilang beses ko na rin yan ba-bluff. Hahaha! Hindi pa nga nagiging jowa, patayan agad? Wag ganun.

Anyway, itong librong ito ay isa sa mga natatanging pastrybug/LIB imprints na nabili ko noong MIBF. Gaya ni Atalanta, nabili ko lamang ito dahil sa nag-iisang dahilan. Ako’y poor book collector na nag-aantay ng mga book sale para makapag angkin ng libro.

Sige na nga. Naintriga din ako sa funeral iringan nila Aling Poleng at Marian kaya ko binili ang librong ito. Nagtataka ako kung paanong nai-relate ng author ang funeral business at competition sa isang romance novel. Infairness naman, nagustuhan ko siya. Slight nga lang.

Hindi pa rin ako maka-get over kay Atalanta at Raphael, pero kailangan kong tapusin ang review na ito. So, heto na ang aking natatanging mga komento bilang isang maarteng reader. Trabaho lang po, walang personalan. Hihihi.

1. Ang taray ng cover. (Well, ang gagara naman talaga ng mga cover ng LIB. Gusto ko lang ulit punahin.) Nakilala ko si Heart Yngrid bilang writer ng PHR, ngunit ngayon ko lang nalaman na nagpo-post din siya sa Booklat.

2. May something in common kami ni author, ang necrophobia. Ang pagkakaiba nga lang, nakakapunta pa naman ako sa mga funerals AS LONG AS MARAMI AKONG KASAMA. Kailangan maraming buhay na nag-iingay habang malapit ako sa patay.

Minsan na din na-test ang fear ko na ito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang group project namin sa Filipino nung college ako. Kinailangan namin na mag-interview ng isang embalsamador. BUTI na lang at kakalabas lang daw nung corpse nung dumating kami. Nakahinga ako ng maluwag after that. Pero bumalik ang hilakbot at takot ko ng nagku-kwento na ang aming embalmer.

3. Back to the story. Gusto ko yung unang scene niya. Pinakilala ang magka-away na punerarya sa pamamagitan ng isang kliyenteng naghahanap ng isang customized kabaong para sa papatayin niyang asawa. Pinag iisipan ko na tuloy ang magtayo ng customized funeral parlor sa probinsya namin. Or kahit dito na lang sa metro manila.

4. Agawan ng namatayan sa ospital. Mukhang napakawalang puso naman ng mga funeral parlors kung ganito ang nagiging eksena. Yung mag-aagawan pa sa harap ng kliyente. Alam ng namatayan eh, kita pa rin ang nasa isip. Anyway, ganito ba talaga ang proseso ng mga funeral parlors? Yung may nag-aabang sa ospital ng mamamatay? Hmm. Na-curious tuloy ako.

5. Marami akong nalaman na marketing strategies sa labanang Poleng at Marian. Pati gift bags pala uso na sa punerarya. Akala ko pang birthday at weddings lang yun eh. Lahat gagawin para maungusan lang ang kalaban sa business. Bet ko yan!

6. Si Marian, isang dalagang walang ibang inatupag kundi ang Rest In Peace Funeral Homes na pamana pa sa kanya ng kanyang mga ancestors. Bilib ako sa determinasyon niyang mapanatili ang negosyo ng kanyang pamilya, even if that means forgetting herself once in a while. Isa din siya sa mga typical na babaeng sawi sa pag-ibig, ngunit umaasa pa rin sa happily ever after.

7. Ang kapatid niyang si Biboy na parating naglalaro ng Candy Crush. Wala na atang ibang ginawa ang batang ito kundi maglaro ng Candy Crush sa buong story.

8. Ang dalawang BFF, sina Mane at Gigi. Hindi talaga mawawala sa kwento ang mga kaibigang parang tanga, kulang-kulang, pero mahal na mahal ng heroine. At pak na pak ang pagtuturo ni Gigi ng diga moves kung paano ipa-pirate si embalsamador. Hmmm.

9. Si Miguel, ang mysteryosong fafa na biglang nagpagulo sa buhay ni Marian. Kung gusto niyong malaman kung anong ginawa niya kay Marian, basahin niyo ang story. Maging stalker din kayo ni Miguel. Hahaha! Ang akin lang, masyadong pa-fall si Kuya.

10. Ang pagsubo ng hotdog. Hindi maka-get over ang boyfriend ko sa eksenang hotdog. Well, maging ako naman. napabili pa nga ako ng Jombo Cheesy Footlong sa Angel’s Burger para gayahin ang nasa story. Hahaha! Joke lang. :D

11. Stalker mode si Marian. Reminds me of someone. Hahaha!

13. Minsan talaga, mag ingat kayo pag may sinabihan kayong bading. Baka laflafin ka ng bonggels. Unless you want it more than he does. *wink wink*

14. Actually, feeling ko masyadong mahaba ang kwento. Puro additional information lang kung paano nade-dedma ang ating bidang babae. Kung paano siya sinasaktan ng bonggang bongga. At kung paano siya inaapi. Cliche.

15. Jump to lamay scene. Ang sarap ibaon sa lupa ni Aling Poleng! Nakikiramay lang yung tao, kung anu-ano pa ang nasabi. Pati tuloy ang love life niya, isinama. Haay. Ngayong alam na niya kung bakit siya hiniwalayan ng kanyang ex, natuto na siya. I hope.

16. Sa totoo lang, nakaka-drain naman talaga ng utak pag walang sense ang kausap mo. When it comes to relationships, dapat give and take. Hindi yung ikaw lang ng ikaw ang nagsasalita tungkol sa science tas showbiz ang pinagtutuunan ng pansin ng partner mo. Either magagaya sa kanya na ganun na lang alng IQ, or mapapagod ka’t hahanap ng iba. *based on experience*

17. Ang dami na ng sinabi ko, pero bored pa rin ako habang nagbabasa nito. Jump to couple’s casket. Yum yum yum!

18. Pusong bato. Theme song na yan ng maraming tao.

19. Move on. Yun lang. Haha!

20. “May love life lang, girlfriend na agad?” – Not related sa libro, pero nabasa ko somewhere. Haha! Ano naman ang masasabi mo? :D

21. Ang pagdating ni Val. Si Val na walang malay. Haha!

Okey. Book two naman? Naaah! Mamaya. :D


Love,
thedespicablehuntress ♥