Thursday, October 9, 2014

ATALANTA by Fleur de Liz

Disclaimer: Ako'y hindi isang technical at professional writer, so wala akong karapatang magbigay ng isang technical at striktong book review. Hayaan niyo akong magbigay ng konting reaksyon sa aking nabasang mga aklat. Be good to me. No negativities allowed in here.


Hindi ko makakalimutan yung araw, or gabi, na tinanong ako ni Fleur (via FB or Booklat, hindi ko na matandaan, hehe) kung bakit ko binili ang libro. Honestly, hindi ko rin alam. Ang sinagot ko sa kanya ay dahil magnda ang cover at dahil mabait sa sakin. Well, nakalimutan kong sabihin na isa ito sa mga librong pasok sa budget ko noong MIBF.

ATALANTA is one of my first LIB books. Tatlo pa lang silang LIB books sa aking shelf. Lahat yun ay nabili ko sa MIBF; thanks to their discount. Pasensya naman. Ako'y isang dukha na umaasa sa book sales at book discounts. Haha!



Halos dalawang oras ang ginugol ko para matapos ang libro. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari sa kwento, nakalimutan kong matulog. Alam yun ni author dahil nagpo-post pa ako ng status sa Booklat habang binabasa ko ito. Di ba, Fleur? :D

Without further ado, here are my reactions about the story:

1. Ang kikay ng cover. Pink na pink. Maganda din ang choices nila ng color ca background ni Atalanta. Well, I think it's better na ginawa nilang black yung lips sa cover photo. Yun naman kasi ang style ni Atalanta sa story eh. :D

2. First time kong nakabasa ng story na nauna ang man's POV. Usually kasi puro babae ang may bonggang bonggang POV.

3. Masyadong nag-enjoy sa pagbabasa ng librong ito ang boyfriend ko. Bakit? Dahil iyon sa mga ginamit na pangalan mula sa mythology. Akala ko noon yung The Oath lang ni Frank E. Peretti ang babasahin niya. Nacurious siya sa mga characters ng Atalanta.

4. Raphael's personality is one of a kind. Let's admit it; bihira na ang mga mayayaman na down to Earth. Mahirap na rin humanap ng isang lalaking tulad niya - yung college student na tapos NBSB pa. Common kasi ang NBSB sa mga babae eh. Bihira sa mga lalaki. Take note ah, galing pa siya sa "pamilya ng mga barako." I can only imagine his dad while thinking na nading si Raphael dahil nga sa single ito. Hihihi. Saka, bilib ako sa kanya kasi ang lakas ng fighting spirit niya. Hindi siya sumuko kay Atalanta until the end. Well, bibihira na talaga ang mga lalaking tulad niya.

5. Si Atalanta, ang babaeng biktima ng bullying. Marami na ang nagsusulong ng anti-bullying sa bansa, at sana mabasa ito ng lahat ng bully! Malalaman nila dun ang feeling ng isang taong binubully at kung ano ang pumapasok sa isip nila once they're bullied. Hindi tama na i-bully ang sino man since you don't know their story. Gaya ni Atalanta.

6. Gusto ko yung pag-italicize sa flashbacks sa story. At least mas madaling ma-distinguish yung nangyayari sa kasalukuyan at yung mga nanggagaling lang sa memorya ng character.

7. "Gary had a great fear with doctors and hospitals." - Page 9. Hay naku, Gary! It's time to overcome your fear! Haha! Nakarelate ako sa kanya. Takot din ako sa hospitals. Haaay. Well, salamat sa info tungkol sa saging at tinik. Ma-try nga yan minsan. :D

8. LOVE LETTER. Stalker. Perfect. Perfect na perfect katakutan. Buti na lang hinyaan lang siya ni Atalanta.

9. Si Daphne, ang maharot na babaeng bigla na lang kumandong kay Rap-Rap. Bakit kaya may mga babaeng ganun, anu? Lalo na sa school. Haay. Sarap itusok sa flag pole. Hahaha! (Bitter much?) Anyway, walang nananaig na kasamaan laban sa kabutihan. Kaya kahit igapos niya sa loob ng CR si Atalanta, mahahahanap at mahahahanap siya ni Rap-Rap.

10. Si Missy, ang dakilang vice president. Marami-rami din ang role niya dito, including yung lunch date with Atalanta's siblings. Siya yung nagre-represent sa mga crush ng bayan at super friends ng lahat. She was even a representative ng mga babaeng nagpaparaya at nagmo-move on sa mga crush na hindi magiging kanila forever.

11. "But I won't change just because people demand me to change. I like being alone. I don't care if people are afraid of me." - (page 41) PERFECT! Nung mga panahon na binabasa ko si Atalanta, we had an argument about fashion choices. Paki nila kung outdated yung mga sinusuot kong damit? Paki nila kung hindi ako fashionable sa mata nila? Fashion for me means being comfortable of what I'm wearing. Hindi yung ipe-please ko lang ang mata  ng mga nakapalibot sakin. Duh? That's waste of time and effort.

12. "Now, everyone knew and there was no turning back." - (page 59) Pak na pak ang public confession ni Raphael! Wala man lang akong nasaksihan na tulad nito in real life, and I really wish naranasan ko ito. Hahah! On the other hand, malutong naman ang pagkakasabi ni Atalanta na "You're going nowhere, Mister Larriega. Your feelings don't matter to me." Hayun. Rejected for the nth time si kuya. Haaaay.

13. Ang pagkidnap kay Raphael ng dalawang kapatid ni Atalanta. Nice one! Magaling naman mag-isip si Keeper. Hindi nga naman sasama sa kanya si Rap kung kakausapin niya lang. Hehe!

14. Ang ka-eyeball na si Roiri a.k.a Aurora Iris Bradford. Ang cute lang. Ate ni Atalanta ang nag add sa FB at nakipagmabutihan kay Rap. :D

15. After the Founder's Night, dun napatunayan ang kasabihang, "malalaman mo ang halaga ng isang tao kapag wala na siya." Basahin niyo na lang sa book kung bakit ko nasabi yun. Hehe!

16. Yung panunuod ni Atalanta nung soccer game. <3

17. "Then I need to apologize to you. Because I can't do that" - Hanapin niyo kung saan na eksena yan. Kilig much. :D

18. First lunch date. Another must read. <3

19. Habang nagta-type ako nito, kinikilig ako sa backgroud music. Can I Have This Dance from High School Musical. Hahah! Gusto ko lang sabihin. :D

20. "Mr. Heartthrob and Miss Nightmare." It happens. Di nga lang masyadong halata.

21. Fast forward. Pagkadiskubre ng sikreto ni Atalanta. Haaay! Bakit ba kailangang umeksena ng mga kontrabida pag okay na ang lahat? ('Cuz they're created for that role) Idagdag mo pa ang mahaderang nanay ni Atalanta na binalak siyang itago ulit. Hmmm

22. Ulan scene. Tears were rushing through my cheeks while I was reading that scene. Mabuti na lang at tulog na tulog ang jowa ko nung mga oras na yun. Iisipin nun masyado na naman akong affected. Well, affected naman talaga ako. At sadyang madali lang akong mapaiyak. Hehehe.

23. I love the ending. Sana tulad din ako ni Rap-Rap na pabalik-balik ng London. Masaya yun, for sure.

24. Ayoko na sanang umabot sa puntong mag e-edit ako. Kasi sabi ko wala akong karapatan. However, it bothered me. Sorry. Hehehe! On page 42, "He eyes were still closed so he didn't have any idea.." Dapat kasi HIS yung ginamit na word. Just sayin'.

25. Anong ginagawa ng DP ni Sinagtala dito? Hahaha! If you could notice, meron kayong makikita na black circle na may star sa loob. Tinanong ko si Fleur kung bakit nandun ang DP ni sinag. Hindi niya daw alam. Well, LIB should answer that for me.

So I have this scale of 1-10, one being the lowest and 10 the highest rating sa mga foreign books na binabasa ko. Gagawin ko rin yun para kay Atalanta. Hmm. I'll give Atalanta an 8. :D

Basahin niyo na ang story na ito. For more information about the author, visit niyo na rin ang Booklat account niya to read more of her works. Here it is:


Ciao!


Love,
Huntress

No comments: