Monday, October 20, 2014

I LOVE YOU TO DEATH Book 2

Ako'y humihingi ng pasensya dahil sa matagal na pagpo-post ng ikalawang bahagi ng aking review. Una, nahiram kasi ang libro sakin. Pangalawa, I'm not in the writing mode these past days. Mas trip ko magbasa ng magbasa. Sana naman ay hindi pa kayo nakaka-move on sa bonggang bongga na punerarya story ni Marian, Miguel, at ni Aleng Poleng. Well, hindi pa rin ako maka-get over sa hotdog ni Marian. Hihihi.

1. Kawawang Marian. Broken hearted ng dahil sa ating fafa na si Miguel. Masyadong pa-fall naman kasi si Kuya. Mambabasted lang din naman pala in the end.

2. To the rescue si pareng Val. Isang nurse at elementary bully ni Marian. Nakarelate ako, infairness. Yung lalaking inaaway-away ka lang nung elementary, magkakagusto sa'yoo in the end. The difference is, hindi naman nanligaw sakin yung nambubully sakin nung elem. Nalaman ko lang na may gusto siya sakin dahil sinabi niya sa best friend ko. :D

3. Pagpapaselos ni Marian kay Miguel. Infairness naman at nagseselos naman si Miguel. May kilala akong ganyan eh. Pero syempre, discreet sa pagpapakita ng pagseselos.

4. Hello Miguel the Knight in Shining casket! Este, armor pala. Walangyang Val yan! Bet na bet ko pa naman siya kasi pa-fall siya to the highest possible level! Tapos, gaganunin niya lang si Marian! Mabuti na lang at mahilig sumilip sa bintana si pareng Miguel at sumaklolo naman siya kay ate.

5. Pagiging best ate in the world ni Marian dahil huling araw na niya sa mundo. Pagbibilin ni Marian sa kanyang mga BFF tungkol sa magiging service ng burol niya. Hmm. Planadong planado ang lahat, ate? Mabuti na lang at wala kang nakalimutan, nuh? :D

6. Ang pagpapakamatay ni Marian. Well, pati ba naman si lola, nag aantay pa ng true love? Hihihi! Well, kinilig ako sa public confession ni fafa Miguel. For sure maraming nainggit ng bongabels kay Marian. Hehehe! Sana lang makakita ako ng ganitong eksena, LIVE! Or makakilala akong matchmaker na may free services. Hahaha!

Naiimagine ko yung panic, pag ngawa, at depression ni Marian. Syempre, mukha ni Marian Rivera ang nasa isip ko na nagpo-portray nito. Magaling naman siyang actress, di ba? :D

7. Ok na sana ang lahat ng dumating ang ex-gf ni Miguel. Este, ni Calvin. Nagpanggap pa talaga siyang customer ah. Hmm. Magaling ate. Magaling ka tumayming. Ang sarap mo ilagay sa couple's casket ng mag isa!

8. Ang pagre-reveal ng misteryo sa buhay ni Calvin. Ganun naman pala eh. Mabuti na lang at naintindihan nitong si Marian. Ikaw na teh!

9. Ang party. Ang trying hard na English ni Marian. Haaaay! I can only imagine how awkward it was to stay on a place na pilit kang pinalalayo. And, Marian did what she thought was right, ang umalis at lumayo sa buhay ni Miguel. Minsan ganun talaga eh. Susuko ka kasi assumed mo na wala ka naman laban sa mga babaeng kakumpetensya mo sa kanya. So sad, Marian bebe. So sad.

10. Ang kidnap scene ni Aling Poleng. Akalain mong sa tanda niyang yun ay naisipan niya pang kumidnap para pumatay ng nakabanggaan sa negosyo. Hmmm. At naloka ako sa reason niya kung bakit siya nagtayo ng funeral parlor. Bwahaha! YUN LANG? CAPITAL LETTERS PARA INTENSE! YOOOHOOOOO! hahahahah

11. Ang pagdating ng ating pinakamamahal na fafa! Ang galing mo, Miguel! You're just at the right timing, baby. Hahahahah!

12. Ang happily ever after! Propose agad. Yes agad! Papatagalin pa ba yan? Hihih

I'll admit, maraming mga eksena din ang nagpakilig sakin, pero yung tipong saktong kilig lang. Hindi naman super duper mega kilig na halos magpagulong-gulong ako sa higaan ko. Hmm. It's a nice story, and I'm sure mag-eenjoy ang fans ni Heart Yngrid sa pagbabasa nito. :D


Rating: 7
*unting hugot pa* :D


LoveLoveLove!
thedespicablehuntress

No comments: