Have you ever said that line
to someone special? Hmm. Ilang beses ko ng narinig yan, at ilang beses ko na
rin yan ba-bluff. Hahaha! Hindi pa nga nagiging jowa, patayan agad? Wag ganun.
Anyway, itong librong ito ay
isa sa mga natatanging pastrybug/LIB imprints na nabili ko noong MIBF. Gaya ni
Atalanta, nabili ko lamang ito dahil sa nag-iisang dahilan. Ako’y poor book
collector na nag-aantay ng mga book sale para makapag angkin ng libro.
Sige na nga. Naintriga din
ako sa funeral iringan nila Aling Poleng at Marian kaya ko binili ang librong
ito. Nagtataka ako kung paanong nai-relate ng author ang funeral business at
competition sa isang romance novel. Infairness naman, nagustuhan ko siya.
Slight nga lang.
Hindi pa rin ako maka-get over
kay Atalanta at Raphael, pero kailangan kong tapusin ang review na ito. So,
heto na ang aking natatanging mga komento bilang isang maarteng reader. Trabaho
lang po, walang personalan. Hihihi.
1. Ang taray ng cover. (Well, ang gagara naman talaga ng mga cover
ng LIB. Gusto ko lang ulit punahin.) Nakilala ko si Heart Yngrid bilang
writer ng PHR, ngunit ngayon ko lang nalaman na nagpo-post din siya sa Booklat.
2. May something in common
kami ni author, ang necrophobia. Ang pagkakaiba nga lang, nakakapunta pa naman
ako sa mga funerals AS LONG AS MARAMI AKONG KASAMA. Kailangan maraming buhay na
nag-iingay habang malapit ako sa patay.
Minsan na din na-test ang
fear ko na ito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang group project namin sa
Filipino nung college ako. Kinailangan namin na mag-interview ng isang
embalsamador. BUTI na lang at kakalabas lang daw nung corpse nung dumating
kami. Nakahinga ako ng maluwag after that. Pero bumalik ang hilakbot at takot
ko ng nagku-kwento na ang aming embalmer.
3. Back to the story. Gusto
ko yung unang scene niya. Pinakilala ang magka-away na punerarya sa pamamagitan
ng isang kliyenteng naghahanap ng isang customized kabaong para sa papatayin
niyang asawa. Pinag iisipan ko na tuloy ang magtayo ng customized funeral
parlor sa probinsya namin. Or kahit dito na lang sa metro manila.
4. Agawan ng namatayan sa
ospital. Mukhang napakawalang puso naman ng mga funeral parlors kung ganito ang
nagiging eksena. Yung mag-aagawan pa sa harap ng kliyente. Alam ng namatayan
eh, kita pa rin ang nasa isip. Anyway, ganito ba talaga ang proseso ng mga
funeral parlors? Yung may nag-aabang sa ospital ng mamamatay? Hmm. Na-curious
tuloy ako.
5. Marami akong nalaman na
marketing strategies sa labanang Poleng at Marian. Pati gift bags pala uso na
sa punerarya. Akala ko pang birthday at weddings lang yun eh. Lahat gagawin
para maungusan lang ang kalaban sa business. Bet ko yan!
6. Si Marian, isang dalagang
walang ibang inatupag kundi ang Rest In Peace Funeral Homes na pamana pa sa
kanya ng kanyang mga ancestors. Bilib ako sa determinasyon niyang mapanatili
ang negosyo ng kanyang pamilya, even if that means forgetting herself once in a
while. Isa din siya sa mga typical na babaeng sawi sa pag-ibig, ngunit umaasa
pa rin sa happily ever after.
7. Ang kapatid niyang si
Biboy na parating naglalaro ng Candy Crush. Wala na atang ibang ginawa ang
batang ito kundi maglaro ng Candy Crush sa buong story.
8. Ang dalawang BFF, sina
Mane at Gigi. Hindi talaga mawawala sa kwento ang mga kaibigang parang tanga,
kulang-kulang, pero mahal na mahal ng heroine. At pak na pak ang pagtuturo ni Gigi
ng diga moves kung paano ipa-pirate si embalsamador. Hmmm.
9. Si Miguel, ang
mysteryosong fafa na biglang nagpagulo sa buhay ni Marian. Kung gusto niyong
malaman kung anong ginawa niya kay Marian, basahin niyo ang story. Maging stalker
din kayo ni Miguel. Hahaha! Ang akin lang, masyadong pa-fall si Kuya.
10. Ang pagsubo ng hotdog.
Hindi maka-get over ang boyfriend ko sa eksenang hotdog. Well, maging ako
naman. napabili pa nga ako ng Jombo Cheesy Footlong sa Angel’s Burger para
gayahin ang nasa story. Hahaha! Joke lang. :D
11. Stalker mode si Marian. Reminds
me of someone. Hahaha!
13. Minsan talaga, mag ingat
kayo pag may sinabihan kayong bading. Baka laflafin ka ng bonggels. Unless you
want it more than he does. *wink wink*
14. Actually, feeling ko
masyadong mahaba ang kwento. Puro additional information lang kung paano
nade-dedma ang ating bidang babae. Kung paano siya sinasaktan ng bonggang
bongga. At kung paano siya inaapi. Cliche.
15. Jump to lamay scene. Ang
sarap ibaon sa lupa ni Aling Poleng! Nakikiramay lang yung tao, kung anu-ano pa
ang nasabi. Pati tuloy ang love life niya, isinama. Haay. Ngayong alam na niya
kung bakit siya hiniwalayan ng kanyang ex, natuto na siya. I hope.
16. Sa totoo lang,
nakaka-drain naman talaga ng utak pag walang sense ang kausap mo. When it comes
to relationships, dapat give and take. Hindi yung ikaw lang ng ikaw ang
nagsasalita tungkol sa science tas showbiz ang pinagtutuunan ng pansin ng
partner mo. Either magagaya sa kanya na ganun na lang alng IQ, or mapapagod ka’t
hahanap ng iba. *based on experience*
17. Ang dami na ng sinabi ko,
pero bored pa rin ako habang nagbabasa nito. Jump to couple’s casket. Yum yum
yum!
18. Pusong bato. Theme song
na yan ng maraming tao.
19. Move on. Yun lang. Haha!
20. “May love life lang,
girlfriend na agad?” – Not related sa libro, pero nabasa ko somewhere. Haha!
Ano naman ang masasabi mo? :D
21. Ang pagdating ni Val. Si
Val na walang malay. Haha!
Okey. Book two naman? Naaah!
Mamaya. :D
Love,
thedespicablehuntress ♥
No comments:
Post a Comment